| Ayos naman at ngayon lang ulit ako nakapag-update. Anyway, sa http://mjolnir07.multiply.com/ ko na lang ipo-post lahat ng mga multimedia files ko, habang ang blog na ito ay para sa buhay ko. Ewan. Basta. Bahala na kung mabuhay pa 'tong blog na 'to. |
| |
| Naglilibot lang ako sa internet nang makita ko 'tong video na 'to:
http://www.youtube.com/watch?v=IOYh5BBbtp8
:D
|
| |
| Naisipan ko lang bumisita rito. Wala na naman akong masabi, dahil ayokong magsabi. Pero tutal nasa mood ako, sasabihin ko na.
Grade 9 na rin ako sa wakas. Dalawang taon na lang at matatapos na ang High School life ko. At dederetso na sa kolehiyo. Pero bago ko isipin ang pagpunta dyan, sabihin ko muna kung anong section ako. :P Nasa 9-Gold ako. Adviser si Sir Banjo, ang Social Studies teacher. Masaya naman kahit hindi. Wala na akong magagawa, ieenjoy ko na lang.
Nasa Grade 9 na ako. At mas lalong naging hectic ang schedule. Paano na 'yung trabaho ko?! Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nag-uumpisa bilang isang sensei. Hindi pa ata nila pasukan. By the way, iba na yung juniors ko. :P
Napilitan akong sumali sa Kilusang Araling Panlipunan (KAP) dahil sa isang bagay na hindi ko maaaring sabihin. at yung isa ko pang club na sinalihan ay 'yung Robotics Club na aakalain mong hindi Robo Club dahil sa mga artifacts na Lego na ginagamit namin.
Teachers, ok lang naman. Pero nagulantang ako nang una akong pumasok sa school. Ang tanong ko, bakit ang daming tao? At bakit 'yung mga batang babae na kulay maroon ang palda at mga batang lalaki na naka khaki pants ay nandito sa High School? Hindi ba dapat nasa Elem sila?
Inakala ko na dito sila sa HS magfla-flag ceremony kasama ng mga HS sa unang araw ng klase. Pero anak ng kulantro, sa Old building pala mag-i-stay ung mga Elem sa HS! Naku pow! Pero ayos lang naman din sa akin. Marami-rami rin naman kasi akong kakilalang taga-Elem
Tinatamad na ako. Jaa.
|
| |